Sarah gusto ang pananahimik ni Rayver
Kamakalawa ang first day shooting ng You Changed My Life, ang sequel ng super hit na A Very Special Love (AVSL) nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na may February 25 playdate. Wish nitong maging maganda pa rin ang boxoffice gross ng movie at mapasaya nila ang tao.
Ano pala ang feeling niya ’pag tinanghal siyang Box-Office Queen dahil sa AVSL?
“Hindi ko sinasabing hindi big deal sa akin ’yan, kung mapunta sa akin ang Box-Office Queen title, malaki ang pasasalamat ko at okey din kung hindi sa akin ibigay. Hindi ko ma-imagine, ’di ko rin ini-expect na parang Twilight ang success ng movie,” wika ni Sarah.
Isa lang ang movie nila ni John Lloyd sa magpapa-busy kay Sarah this year. Kami ang nalula sa toxic schedule niya na ikinuwento ni Mr. Vic del Rosario. Sa March, aalis siya for a 14-city tour o seven weeks na show sa Guam, Honolulu, San Francisco, San Diego, Seattle, Reno, Las Vegas, Chicago, New Jersey, Texas, Florida, Los Angeles, Stockton at Washington.
Bukod sa kare-release na OPM Sarah Geronimo, gagawa siya ng isang Christmas album at one pop album next year. May movie rin siya with Piolo Pascual at sa October o November, may major concert uli siya sa Araneta Coliseum.
Ibinalita rin ni boss Vic na nag-renew ang 14 endorsements ni Sarah at may five new endorsements ito at isa rito’y kasama ang inang si Divine Geronimo. May cell phone, facial, shampoo, makeup at cologne endorsements ang Pop Princess.
Tinukso si Sarah kay Rayver Cruz at nakuwento nitong nagpadala ito ng flowers sa nakaraan niyang concert. Nag-text din ito noong Pasko para batiin siya. Na-excite ba siya sa mga bulaklak na ipinadala ng young actor?
“Oo naman. I’m touched. Nakakatuwa lang na ’di na kami nagkakahiyaan at nagkakailangan sa ASAP ’08. Na-realize ko ring hindi porke’t may kausap kang guy, tinitingnan mo na siya as your future spouse. Natutuwa ako sa kanya’t tahimik lang,” sabi ni Sarah.
Boto ba kay Rayver ang parents niya? Ano ang nagustuhan niya kay Rayver?
Sey ni Sarah, “Wala pa akong naririnig sa kanila at ’di rin nila ini-encourage na magpaligaw na ako at ’di pa rin ako ready. Ang nagustuhan ko kay Rayver, tahimik siya, mabait na tao, pure at pareho kami ng interest.”
* * *

No comments:
Post a Comment
MAKIPAGTALAKAN DITO...